Una sa Balita

DepEd Palaro palpak! – Juico

By
0 1,016

TULUYAN nang nabalewala ang dapat sanang bagong 3 national juniors record sa katatapos na 2018 Palarong Pambansa nang kumpirmahin ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico ang kawalan ng mga batayan at beripikadong dokumento.

“As far as I am concerned, walang na-break na national juniors record sa Palaro,” sambit ni Juico, na dismayado sa naging pagtrato ng Department of Education (DepEd) sa kanyang asosasyon at pagbabalewala sa dapat sanang maayos na pagsasagawa ng torneo.

“Bakit nila kami sisisihin? They requested for the equipment two days before their tournament,” sabi ni Juico. “Sila pa ang namimili sa gagamit doon sa equipment eh ang iba du’n ‘di qualified. Hindi marunong huma­wak ng equipment na ganu’n kamahal at mahirap kung masisira.”

“Hindi na uso ang hand time ngayon. Wala namang na-break na national record. Palaro ­record pwede, they can keep the ­record pero Palaro record. Hindi namin pwedeng i-recognize ang hand time kundi masususpindi kami ng IAAF for keeping a false ­record,” ani Juico.

Katuwiran naman ng DepEd na hindi sila napahiram ng Phi­lippine Sports Commission (PSC) dahil sira ang nasabing kagamitan para sa track and field events habang hindi din maipapaubaya ng PATAFA na kung sino-sino lang ang gagamit ng electronic timing device dahil sa maseselan nitong program at application.