Una sa Balita

DepEd nag-fund raising sa mga nasawing guro galing sa brigada eskuwela

0 329

By Aileen Taliping

Walang nakalaang pondo ang Department of Education (DepEd) para sa mga nasawing guro sa Albay na naaksidente matapos manggaling sa brigada eskuwela.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na walang pondong agad na maiabot sa pamilya ng apat na nasawing guro kaya nag-fund raising na lang sila para makatulong sa mga naulilang pamil­ya.

Nakakasiguro ang kalihim na bukas ang kalooban ng mga guro na tumulong sa mga nasawing kasamahan sa isang malagim na aksidente sa Libon, Albay matapos mahulog sa malalim na bangin.

“Kasi kung umaasa lang tayo sa budget, walang aasahang funds available kaya nagko-contribute kami. Nag-fund raising kami and since we are very large organization, all of us have contributed,” ani Briones.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na plano niyang palawigin ang benepisyo ng provident fund para sa mga guro at gawing doble ang benepisyo kung ang isang guro ay nasawi habang ginagampanan ang tungkulin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy