Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DepEd keber, balik-eskuwela tuloy sa Nov 15: Ilang school atras sa face-to-face class!

0 223

Walang atrasan sa pagsisimula ng pilot face-to-face class sa elementarya.

Ito ang inihayag ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa press briefing sa Malacañang kahit may ilang eskuwelahang umurong na magbukas ng klase dahil sa nananatiling peligro ng COVID-19.

“Even as merong nag-back out, mayroon namang sulat ng sulat sa akin na mga mayor, mga parent na gusto nila ang face-to-face, iilan lang ang local governments ito,” ani Briones.

Sa ngayon aniya ay nasa 90 pampublikong paaralan na ang nasa kanilang listahan at inaasahang aabot pa ito hanggang 100 dahil marami ang nagpapahayag ng interes sa pilot face-to-face class.

Mayroon din aniyang 20 pribadong paaralan ang nagpahayag na sumama rin sa pilot face-to-face at isang international school.

“Ngayon so far, 90 schools ang na-identify natin na public schools. Halos everyday may magdadagdag na schools na nag-qualify. Ang ginagawa natin ay nire-review dahil ang policy ay magdagdag tayo ng 20 private schools,” dagdag ni Briones.

Sinabi rin ni Briones na puspusan na ang paghahanda ng DepEd sa pilot face to face classes ng mga elementary student sa public sa November 15 habang November 22 naman sa private.

“Ang formal na ano, November 15. Nire-refine na namin ng husto dahil klarong-klaro ‘yong marching orders ng president: consult Department of Health, IATF, observe protocols, 100 sampling and so on,” ani Briones.

Kasabay nito, nilinaw ng kalihim na walang paaralan sa Metro Manila na sasabay sa pilot face-to-face class dahil ang pinapayagan lamang ay mga lugar na halos wala o minimal lamang ang COVID transmission. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.