Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DepEd: Kahit may bakuna, face-to-face class malabo sa 2020

0 141

Nasa pagpapasya pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kailan papayagan ang face to face classes ng mga estudyante kahit mayroon ng natuklasang bakunang pangontra sa COVID-19.

Inihayag ito ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa Malacañang kasunod ng inaasahang paglabas na ng bakuna kontra COVID -19 .

Sinabi ni Briones na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na pagbabalik-klase sa mga paaralan subalit hindi magaganap sa taong ito.

“We are studying the possibility but definitely not this year; and definitely not until the President makes a pronouncement,” ani Briones.

SM food to go Banner Ad

May inihahanda na aniya silang report kay Pangulong Duterte at kung sakaling magkaroon ng face to face classes, magiging limitado lamang ito sa mga lugar na ligtas at COVID-free.

Hihingin din nila ang posisyon ng Department of Health sakaling magkaroon na ng face-to-face class dahil mahalagang malaman ang mga kundisyones sakaling payagan na ang mga estudyanteng pumasok sa mga paaralan.

“We’ll get clearance from the Department of Health (DOH) and the IATF, kasi sila ang mag-a-assess ng health situation,” dagdag ni Briones.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte na hangga’t walang bakuna ay walang face to face classes para masiguro abg kaligtasan ng mga estudyante sa buong bansa. (Aileen Taliping)#

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.