Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DepEd isasalba ni Chavit sa bilyong gastos

0 4,482

Nais makausap ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis `Chavit’ Singson si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones para sa inaalok niyang tulong na satellite na puwedeng gamitin sa blended learning ngayong mayroon pang COVID-19 pandemic.

Ibinahagi ni Singson, president ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Laging Handa public briefing nitong Lunes ang makabagong teknolohiya na sinubukan na umano nila sa Ilocos Sur.

Aniya, mayroon silang ka-partner na nagbibigay ng mga satellite at sinubukan na nilang gamitin ito sa malalayong barangay sa Narvacan at nagustuhan ng mga guro.

“Tinesting namin provincial, to the farthest town, remote area walang signal, walang wi-fi naglagay lang kami ng satellite very successful. Napakinggan ng mga division superintendent at lahat ng mga teacher nagustuhan nila…Gusto nilang gamitin region wide pero kako ipaalam niyo muna kay Secretary Briones para alam niya ang programang ito,” ani Singson.

Sabi ng alkalde, nabasa niya sa website ng DepEd na gagastos ito ng bilyong-bilyong piso para sa blended learning subalit sa gagamitin nilang satellite ay “minimal” lang aniya ang magagastos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.