Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DepEd inalarma libreng gadget online scam

0 163

Pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko sa mga kumakalat na scam kung saan hinihikayat ang mga tao na sumali sa contest upang mabigyan ng libreng laptop at cellphone.

Ayon sa DepEd, hindi sila gumagawa ng pakulo na magbibigay ng anumang gadget na magagamit sa online learning sa pamamagitan ng pagsali sa raffle draw o contest.

Nilinaw ng DepEd na ang kanilang learning continuity package ay donasyon ng mga local government unit at ilang lehitimong partner na siyang magbibigay sa mga mag-aaral at mga guro.

SM food to go Banner Ad

Nagbabala ang DepEd hinggil sa scam na ito makaraang makatanggap umano ng mga report na marami ang nabola sa ganitong modus kung saan ay talaga namang tinatangkilik dahil sa kakapusan ng gadget na magagamit para sa online learning.

Payo ng DepEd, maaaring i-report ang mga ganitong scam at iba pang pagsasamantala kaugnay ng pagbubukas ng klase sa action@deped.gov.ph.

Sinabi pa ng DepEd na ang mga opisyal na anunsyo at impormasyon kaugnay sa pag-aaral ay makikita lamang sa mga lehitimong channel nila tulad ng Facebook, Twitter at sa kanilang website na www.deped.gov.ph. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.