Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DepEd hugas kamay sa suicide

0 203

Nananawagan ang Department of Education (DepEd) sa publiko na huwag ikonekta ang learning modules sa pagpapakamatay o paghihirap ng ilang guro at mag-aaral.

Ayon sa pamunuan ng Deped, isang sensitibo at kumplikadong usapin ang suicide kaya umapelang itigil ang pagkonekta nito sa mga modyul o sa distance learning.

“Hinihiling namin sa publiko na igalang ang pribadong buhay ng pamilyang naiwan at gayundin ang pag-iwas sa mga kuro-kuro ukol sa sanhi ng pagkamatay ng kanilang kaanak,” ayon sa statement ng DepEd.

Nababahala ang DepEd sa mga malulungkot na balitang may mga guro at mag-aaral ang pumanaw sa gitna ng krisis at umiibabaw ang paninisi na dahilan ito ng paghihirap sa pagkuha ng modules pero nanindigan ang DepEd na walang kinalaman ang learning modules sa pangyayari.

Hindi umano dapat na idamay ang learning modules o anumang paghihirap sa nangyayaring krisis sa pandemya na tulad ng kawalan ng gadgets sa pag-aaral o hirap sa internet connections,

SM food to go Banner Ad

maging ang pagtulong sa mga guro na naapektuhan ng coronavirus diseases (Covid-19) ay ginagawa ng kagawaran.

Kaugnay nito, hiling ng DepEd sa publiko na igalang ang pribadong buhay ng pamilyang naiwan at gayundin ang pag-iwas sa mga kuro-kuro ukol sa sanhi ng pagkamatay ng mag-aaral.

Giit pa ng DepEd na “Nakatanggap na kami ng mga ulat mula sa kinauukulan, maging mga pahayag ng mga pamilya, at mga inisyal na imbestigasyon ng mga kaso at wala sa alinmang insidente ang tumutukoy sa distance learning bilang pangunahing sanhi ng mga ito.”

Nagbigay naman ng babala ang DepEd sa mga grupo o indibidwal na ginagamit ang mga insidente upang siraan at isantabi ang mga pagsisikap ng Kagawaran.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Kagawaran sa mga guro, kawani, at mga mag-aaral upang sila ay mabigyan at mahatiran ng mga nararapat na serbisyong pang-mental na kalusugan at psychosocial. Gayundin, hinihikayat namin ang bawat isa na mas pagtibayin ang ugnayan at manatiling konektado sa mga mahal sa buhay sa panahong puno ng pagsubok.(Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.