Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DepEd Exec tigok sa ambush, misis sugatan

0 256

Patay ang education official ng lalawigan ng Maguindanao habang sugatan ang asawa nito matapos silang tambangan ng riding in tandem kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawi na si Javier Kumandi Sr., DepEd District Supervisor ng Pandag, Maguindanao at nagtatrabaho sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE). Patuloy namang ginagamot ang nabaril ding asawa nito.

Sa ulat ni Lt. Col. Joan Maganto, Tacurong City police Director, sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi sa Barangay San Pablo ng nasabing lungsod.

Pauwi na sakay ng itim na Innova ang mag-asawa na minamaneho ni Kumandi Sr. nang bigla silang sabayan ng di naplakahang motorsiklo lulan ang dalawang armadong suspek.

Agad pinaputukan ang mag-asawa at mabilis na tumakas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pamamaslang. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.