Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Department of OFW pinamamadali sa Kongreso

0 109

PINAAKSYUNAN agad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na magtatatag sa Department of Overseas Filipinos.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang may isang departamento na tututok lamang sa concerns at pangangailangan ng mga OFW .

SM food to go Banner Ad

Masyadong malaki aniya ang sakop ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaya dapat mayroong sariling departamento ang mga OFW.

“I’d like to hurry up Congress in this. One of my proposals during the campaign period was the creation of Overseas Filipino. And so I would have to create this kaagad, ASAP ito,” anang Pangulo.

Ikinukunsidera rin ni Pangulong Duterte ang posibilidad na magkaroon din ng sariling departamento ang mga seafarers o seamen para matutukan din ang kanilang mga pangangailangan at mga hinaing o concerns sa kanilang trabaho. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.