Una sa Balita

Dentista niratrat sa loob ng sasakyan sa Samar

0 226

DUGUANG bumulagta ang isang babaeng dentista matapos pagbabarilin sa ulo at katawan ng hindi pa kilalang salarin habang nasa loob ng kanyang sasakyan kamakalawa nang hapon sa Calbayog City, Samar.

Dead on-the-spot ang biktimang nakilalang si Dr. Vicky Romhur, 69, residente ng Brgy. Rawis ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:45 nang hapon sa kahabaan ng Magsaysay Blvd. Extension sa Brgy. Rawis ng lungsod na ito.

Lulan ng kulay gray na Mitsubishi Strada ang biktima pauwi na sana sa Narcissa Hills Subdivision nang malapitan itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek.

Matapos na masigurong patay na ang target ay mabilis na tumakas ang salarin.

Napag-alaman pa sa pulisya noong Pebrero ng nakaraang taon ay pinatay din ang kapatid ng biktima na si Catherine Romhur Johnson nang pagbabarilin ito habang bumibili ng tinapay sa isang bakery sa Calba­yog City.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang kasong naunang pagpatay bago ito nasundan naman ng pagpatay sa biktima kamakalawa. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy