Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DENR sisilipin Pasay Seaside Dampa sa maruming tubig

0 200

Aalamin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung sumusunod sa batas ang sikat na Seaside Dampa Restaurant sa Pasay City para matiyak ang kalinisan ng Manila Bay.

Inihayag ito ni DENR Secretary Roy Cimatu sa groundbreaking ng Libertad STPP and Wastewater Interceptor na magkakatuwang na pinangunahan ng kanyang kagawara, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng lokal na pamahalaan ng Pasay City.

Sinabi ng kalihim na siya mismo ang tutukoy kung may sariling water treatment facility ang naturang resto sa Diosdado Macapagal Boulevard sa Pasay City.

Aniya, nagiging sanhi ng pagdumi ng Manila Bay ang mga waste material na nakukuha sa mga fast food restaurant.

Idinagdag ni Cimatu na ang mga restaurant ang madalas na pinanggalingan ng waste water na nagdudulot ng polusyon sa hangin at maging sa tubig. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.