DENR Sec. Lopez, lulusot sa CA – Loren

By

Malaki pa rin ang tiyansang makalusot sa Commission on Appointments (CA) ang nominasyon  ni Environment Secretary Gina Lopez sa pagbabalik ng sesyon ng Senado sa Mayo.

Ito ang paniwala ni Senadora Loren Legarda, isa sa mga miyembro ng makapangyarihang komisyon.

Ang nominasyon ni Lopez kung matatandaan ay hindi nakalusot  o na-bypassed ng CA bago nagbreak  ang sesyon ng Kongreso noong Marso.

Paglilinaw ng senadora, sa simula pa lang ay suportado na niya ng pagtatalaga kay Lopez sa DENR dahil nakikita niya ang dedikasyon at puso ng kalihim na nababagay para pamunuan ang kagawaran.

“I’ve supported her from the beginning. I will continue to support her. Her heart is in the right place and I hope that my colleagues in the commission will support her, yes, I’m optimistic,” wika ni Legarda.

Bagama’t iginagalang umano niya ang magiging posisyon ng mga kapwa miyembro sa CA, umapela pa rin ito sa mga mambabatas na masusing pag-aralan ang qualifications at integridad ni Lopez na patakbuhin ang DENR.

“I know that it could be difficult because of some of the projects but I hope that she will be confirmed because we really need a warrior, a climate warrior to lead the department,” pahayag ng senadora.


SHARE