Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DENR kinandado 3 dumpsite sa Batangas, Cavite

0 304

Ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tatlong open dumpsite sa Calabarzon.

Kabilang sa mga ipinasarang dumpsite ay matatagpuan sa Nasugbu at Santo Tomas sa Batangas, at sa Tanza, Cavite.

Base ito sa kautusan ni DENR Secretary Roy Cimatu na dapat ay sarado ang lahat ng open dumpsite bago sumapit ang Marso ngayong taon.

Sa open dumpsite ay tinatapon ang mga basura nang walang maayos na proseso at maaaring makaapekto sa kalikasan at sa kalusugan ng mga tao.

Nakasaad sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang mahigpit na pagbabawal sa operasyon ng mga open dumpsite.

Kaugnay nito, nanawagan ang DENR-Calabarzon sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.