Una sa Balita

DENR iimbestigahan ang buyer ng 2 agila

0 257

IIMBESTIGAHAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nakabili ng dalawang agila sa isang pribadong indibidwal.

Ang imbestigasyon ay naglalayong mabatid kung sino ang res­ponsable sa pagbenta ng agila.

Ito ay matapos dalhin sa DENR ang dalawang inakay na agila ni Police Staff Sargent Conrad Waperi III na umano’y ibinigay sa kaniya ng kaibigang nakabili sa mga ibon.

Inakala umano nito na manok panabong ang inilalako ng lalaki.

Napag-alamang mula umano sa Initao, Misamis Oriental ang mga agila.

Ibinenta ng P5,000 ang serpent eagle habang P8,000 ang hawk eagle.

Magsasampa ng kaso ang DENR sa nagbenta ng inakay na agila sa paglabag ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act. (Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy