Una sa Balita

Dennis Trillo tumulong sa fan na may cancer

By
0 2,356

Maraming netizens ang natuwa sa ginintuang puso ng aktor na si Dennis Trillo dahil sa pagbigay nito ng tulong sa isang cancer patient.

Nag-celebrate ng kanyang birthday ang aktor noong nakaraang May 12, at noong May 11 ay nagbigay siya ng isang malaking donation sa isang patient na nag­ngangalang Ellomar dela Peña na may Adult Acute Lymphoblastic Leukemia. Na-diagnose siya sa kanyang sakit noong March 2017 pa.

May GoGetFunding account si Ellomar para sa mga gustong magbigay ng donasyon para sa kanyang bone marrow transplant operation.

Noong humiling ito ng tulong kay Dennis, hindi nagdalawang-isip ang aktor na mag-donate sa GoGetFunding account nito.

Makikita na pangalan ni Dennis ang nakalagay ay nag-donate ito ng $1000.

Ito ang ikinatuwa ng maraming netizen kay Dennis dahil marunong itong tumulong sa mga taong nangangailangan.
Heto ang ilang mga papuri sa aktor:

“How kind and nice of our lodi! Happy Birthday again! Im sure marami pa pong blessings na darating! #dennistrillo.”
“Kaya madami kang blessing kc u have a big ❤ for helping others..bless u @thedennis420.”
“God bless your kind heart Lodi”
“Bless your heart Den…”