Una sa Balita

Dennis Trillo, bibida sa ‘Train To Busan’

By
0 34

Wala nang tatalo sa Halloween season sa Kapuso Network dahil malapit nang mapanood dito ang award-winning at box office South Korean film na Train To Busan. Mapapanood muli si Gong Yoo sa GMA, na siya ring bumida noon sa kilig series na Coffee Prince.

Si Dennis Trillo ang magbibigay ng boses sa karakter ni Gong Yoo, samantalang si Sofia Pablo naman ang boboses sa batang aktres na si Kim Su-an. Abangan ang Train To Busan sa GMA ngayong Oktubre.

Mikee Quintos, feeling sexy sa Bali

Summer is never­ over para kay Mikee Quintos dahil rumampa siya kamakailan sa Bali, Indonesia suot ang iba’t-ibang swimsuits. Enjoy ang dalaga sa pagbabakasyon kung saan kasama ang kapatid at mga kaibigan.

Sulit ang bakasyon dahil pagbalik niya ay napanood naman siya sa Alyas Robin Hood bilang Marya. Isang magnanakaw na ma­diskarte pero maalagain at mabait ang role ni Mikee rito.

Glaiza de Castro, magpapabayad ng P3K sa meet and greet… 

Glaiza de CastroPatuloy lang si Glaiza de Castro sa pagpupursige sa kanyang mga passion sa buhay. Matapos ang isang taong pagbibida sa serye, ngayon naman ay binigyan niya ng oras ang kanyang musika.

Pagkatapos ng tagumpay ng una niyang self-produced album na Synthesis, sinundan niya agad ito ng pa­ngalawang album na ilo-launch ngayong October 27. Kasabay ng launch ang kanyang concert, kaya naman masaya ang fans niya dahil 2-in-1 na ang event na ito.

Pinamagatang Kun[g]diman ang kanyang album, at exciting marinig ang mga bago niyang kanta.­ P3,000 ang VIP ticket, kasama ang meet and greet at isang album; P2,000 naman para sa Orchestra with CD, at Balcony naman sa halagang P1,000!

Barbie sa BG

Isa na namang katawatawang Biyernes sa Bubble Gang na laging­ nagbibigay sa amin ng aliw at relaxation after a whole week of pulos trabaho. Makikigulo sa mga regular cast ng Bubble sina Sheena Halili, Kevin Santos, Analyn Barro, Ashley Rivera, Archie Alemania, Lovely Abella, Andre Paras, at Barbie Forteza.