Una sa Balita

Dennis Quaid (65) nahuhumaling sa 26-anyos

0 449

Wala nga bang pinipiling edad ang mga taong nagmamahalan?

Spotted ang 65-year-old Hollywood star na si Dennis Quaid sa Lake Como kasama ang 26 years old girlfriend na si Laura Savoie para sa kanilang romantic getaway bago pa man magsimula ulit ang klase.

Mukhang may something talaga si Dennis sa mga super younger na kababaihan.

Matatandaang 32 years old naman ang kanyang huling girlfriend bago si
Laura, at iyon ay ang modelo na si Santa Auzina.

Well, in fairness, marami namang bagay na nag-uugnay sa kanila ngayon ng kanyang bagong girlfriend. Gaya nga ng taga-Texas si Dennis at kapwa mahilig sila sa speedboats. Destiny nga ba sila?

So anyway, habang bakasyon pa nga si Laura, sinusulit na ni Dennis na makasama ang girlfriend bago pa man maging abala sa grad school.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy