Una sa Balita

Dennis, pasabog ang skimpy trunks scene!

By
0 105
Dennis Trillo
Dennis Trillo

Dalawang araw bago ang playdate ng Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend?!, ­ibinahagi sa publiko ng kampo ni Dennis Trillo­ ang sariling pasabog niya para sa pelikula nila nina Paolo Ballesteros at Anne Curtis.

Inilabas ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo ang behind the scene video ng aktor na skimpy swimwear ang suot habang umaahon mula sa swimming pool.

Big deal para sa mga taga-hanga ni Dennis at sa mga boyfriend ng mga guwapo ang eksena dahil ngayon lamang nakumbinsi ang aktor na magsuot ng skimpy trunks sa pelikula.

Unang naging daring si Dennis sa underwear fashion show ng Bench noong 2014 dahil napapayag siya na rumampa na Bench briefs ­lamang ang suot.

Ang sexy scene niya sa Bakit Lahat ng Gwapo­ May Boyfriend?! ang sagot ni Dennis sa pasa­bog na make up transformation at pagkopya ni Paolo sa mukha ni Anne Curtis, ang lead actress ng kanilang pelikula na mapapanood simula nga­yon, October 19, sa mga ­sinehan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy