Una sa Balita

Dennis ng Hotdog pumanaw na

0 297

Pumanaw na si Dennis Garcia,­ ang bassist at co-founder of Filipino band na Hotdog. Ang kanyang anak na babae ang nag-anunsiyo sa pamamagitan ng Facebook.

Sa Facebook post, ni Isa, ang youngest daughter ni Dennis, sinabi niya na namatay ang kanyang ama nitong Sabado ng gabi.

“Hi to everyone. This is Isa Garcia, the youngest daughter of Dennis.
“For those of you who knew my father, it grieves me to inform you all that he passed away tonight. We will keep you posted regarding the details of the wake,” pahayag ni Isa.

Dugtong pa niya:
“Our grief at his sudden passing is infinite and now so is he. Thank you for being with us through this difficult time.”

Ang bandang Hotdog ang nagpasikat sa mga kantang ‘Bongga Ka Day,’ ‘Beh, Buti Nga,’ ‘Pers Lab,’ ‘Pana­ginip,’ at ‘Annie Batungbakal.

Sila rin ang lumikha ng awiting ‘Manila,’ na paulit-ulit pinatugtog sa 30th Southeast Asian Games na ginanap dito sa Pilipinas. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More