Una sa Balita

Dennis nagpaka-‘Gaga’ sa mga fan

By
0 1,605

Ibang Dennis Trillo ang nasaksihan ng mga fan kamakailan sa pagbisita nito kasama ang The One That Got Away co-star niyang si Lovi Poe sa ArtisTambayan session nila sa Facebook. Nagpahatid kasi ng good vibes ang ginawa ni Dennis nang napalaban sa isang dare kung saan kailangan niyang gawan ng sexy dance ang theme song ng The One That Got Away na ‘Gaga’ ni Nar Cabico.

Sobrang kulit pero cute at the same time raw ito ayon sa mga nakapanood kaya naman marami ang humihiling na sana raw ay makita nila ito sa isa sa mga episodes ng GMA series.

Samantala, after nilang maglaro ng ilang games para sa mga Kapuso viewers, nag-open up naman si Lovi sa pinakamahirap na eksenang ginawa niya sa show. Ito raw ay nung kinailangan niyang magpatawa pero ang eksena ay drama dahil nalaman na niyang bakla si Gab na ginagampanan ni Renz Fernandez. In fairness, hindi halata na nahirapan ka dun, Lovi, huh!

Sampal ni Yasmien kay Gina pinalakpakan

Palakpak ang tenga ng mga supporters ni Yasmien Kurdi na siyang gumaganap bilang si Thea sa well-loved Afternoon series ng GMA na Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil nagsimula na siyang lumaban sa matapobre niyang biyenan na si Adel (Gina Alajar).

Level up na nga raw ang ating bida dahil finally ay nabalik na niya ang sampal na binigay nito sa kanya. Although kulang pa ayon sa ilan, okay na raw iyon dahil patunay lang na madadagdagan pa yun sa mga susunod na episodes. Tama lang daw iyon para kay Adel dahil masyado nang masama ang ugali nito.