Una sa Balita

Dennis, Jennylyn dinedma ang Kapuso event

0 779

abante-talbog-joe-barrameda

First time ko dumalo sa Kapuso Countdown to 2019 noong Dec. 31 sa MOA grounds. Umuulan maghapon kaya worried ang production na baka hindi tauhin ang countdown. Pero nagkamali sila dahil punong-puno ang lugar kahit umuulan.

Maganda ang mga production number na pinamunuan ni Alden Richards ang opening at closing ng programa.

Maraming nag-perform gaya nina Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales, Christian Bautista, Mark Bautista, Yasmien Kurdi, Glaiza de Castro, Katrina Halili, One Up Boyband at mga Clashers na biritan nang biritan.

Sina Jak Roberto, Ken Chan, Derrick Monaserio at Rocco Nacino ay kasama sa mga production number.

Ang napansin lang namin sa dami ng production numbers ni Alden ay parang concert niya ang show. Hinahanap lang namin ang mga malaking contract star ng GMA na missing in action.

Sana next year ay obligahin nila the likes of Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Carla Abellana, at iba pa para naman lalong masiyahan ang mga dumadayo taon-taon para masilayan ang mga Kapuso star.

Speaking of Alden Richards na kababalik lang from Japan ay may pasabog agad na McDonald commercial na pinalabas kahapon, Jan 2. Teaser pa lang ay inabangan na nila, ha!

Like a real trouper balik-trabaho agad ang Pambansang Bae. Balik-Eat Bulaga na rin siya at sa mga post niya sa mga ginawa nila sa Japan ay sulit na sulit ang bakasyon nila.

Mga artista balik-trabaho na

Sa Biyernes ang opening salvo ng Bubble Gang at sa trailer pa lang ay hitik na sa mga kalokohan ang grupo at by Monday back to taping ang cast at by that time ay nakabalik na si Michael V. at pamilya nito na taon-taon ay lumalabas ng bansa during the Christmas holidays.

Ang daming artista na nangibang bansa tuwing holiday season. Kasi walang mga gagawin dito kaya ayun biyahe nang bonggang bongga.

Kaya balik na sila ngayon gaya ni Maja Salvador na nag-Japan at balik na para umpisahan ang World Of Dance Philippines.