Una sa Balita

Dennis, Jason, Ivan iwas hubad ngayong Holy Week

By
0 3,247

Ang isa sa mga hunk ng The One That Got Away na si Jason Abalos na laking Nueva­ Ecija ay uuwi sa kanilang province para makiisa sa iba’t ibang nakasanayan na niyang gawin doon ka­pag Holy Week.

Bata pa lang daw siya ay mahilig na talaga siyang sumali sa mga prusisyon at mga pabasa.

“Ako kasi ‘pag Holy Week, umuuwi sa probinsya. Sama-sama kaming pamilya. Nagpu-prusisyon at sumasali rin kami sa mga pabasa. No’ng bata pa ako, mahilig akong kumanta sa mga pabasa,” pahayag ni Jason.

Isa nga pala si Jason sa pinag-uusapan sa The One That Got Away dahil sa shirtless siya sa ilang mga eksena.

Wala namang problema ‘yon kay Jason dahil napapanatili niya ang magandang pangangatawan!

Pero ngayon kayang Holy Week, may mga ganoon pa kayang eksena na mapapanood sa The One That Got Away o behaved muna sina Jason, Dennis, Ivan Dorschner sa hubaran? I’m sure bawal muna.

Well…

Anak ni Wendell artistahin ang dating

Marami ang cute na cute sa video na pinost ni Wendell Ramos sa kanyang Instagram account (@wendellramosofficial) kung saan ay yakap-yakap niya ang anak na binatilyo at hinahalik-halikan sa likod.

Sabi ni Wendell, sa post na ‘yon, “My batutoy! My spoiled son! Don’t grow up so fast.”

In fairness, guwapo rin ang binatilyo ni Wendell at puwedeng sundan ang mga yapak niya sa pag-aartista, huh! My gosh, parang nakikita ko na, na in the future ay ang anak naman na ‘yon ni Wendell ang rarampa sa Bench fashion show!

Kung matatandaan, sa mga naunang Bench fashion show, naging usap-usapan ang mga pagrampa ni Wendell na naka-underwear lang, ‘noh?!

Dennis mahilig mag-picture ng simbahan kapag Holy Week

Noong Monday naman ang last taping muna ng The One That Got Away na pinagbibidahan ni Dennis Trillo dahil break muna sila at Holy Week na. Kapag Holy Week daw, nagbi-Visita Iglesia si Dennis kasama ang kanyang pamilya. Nakaugalian na raw nila ‘yon.

Isa pang gustong-gustong gawin ni Dennis kapag Holy Week ay ang pagkuha ng litrato ng iba’t ibang mga simbahang pinupuntahan niya.

‘Yon daw ang hilig niyang gawin kapag ganitong Lenten.