Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dennis hindi matakaw sa babae

0 35

Feeling importante ngayon ang tinaguraing Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa GMA-7. Dahil ito sa pagbibigay sa kanya ng network ng isang malaking teleserye at masasabing controversial na topic na maaaring ang iba, hindi mangangahas gawin.

Ito nga ang ‘Legal Wives’ na magsisimula ng mapanood simula sa Lunes, July 26 after ng The World Between Us.

“Feeling importante ako, masaya sa pakiramdam na lahat ng paghihirap, sakripisyo at pagtatrabaho ng maayos ay nare-rewardan ng mga ganitong klase ng programa.

“Talagang wala akong masabi sa GMA kung hindi pasasalamat at paghanga na hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo at pinagkakatiwalaan niyo ang trabaho ko,” sabi ni Dennis.

Sa isang banda, puwedeng kainggitan ng mga kalalakihan ang role ni Dennis sa Legal Wives bilang iikot ang kuwento sa pagkakaroon niya ng tatlong naggagandahan at nagseseksihang mga asawa.

Sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali. Pero ayon sa actor, masasabi niyang masaya pero mahirap din daw talaga ang pinagdadaanan gaya ng character niya na si Ismael Makadatu na may tatlong asawa.

At binigyang diin din ni Dennis na hindi isang “kabit-serye” ang Legal Wives kung hindi isang family drama series. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.