Una sa Balita

Dennis gustong ‘tagain’ si Gerald

0 496

Sa show na “MTRCB: Uncut”, isa si Dennis Padilla sa mga minsang nagho-host ng naturang programa tuwing Lunes. Guest sa araw na iyon, February 16, ang dalawang bida mula sa pelikulang “James & Pat & Dave” na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Inihambing ng mga host ang pelikulang ito sa “Vince, Kath & James” kung saan bida naman sina Joshua Garcia, Julia Barretto (na anak ni Dennis) at Ronnie Alonte.

Sabi ni Dennis, noong time na ‘yun ay mas boto siya kay Ronnie (James) para kay Julia (Kath) na ang nakatuluyan sa pelikula ay si Joshua (Vince).

Nagbiro pa si Dennis na gusto sana niyang bumuo pa ng pelikula na kasama ang anak na si Julia at kasama rin si Gerald Anderson.
“Gagawa tayo ‘Julia, Dennis and Gerald’, ang movie medyo morbid,” hirit ni Dennis.

Hindi lang ‘yan, tila gigil pa siyang sabihin na gusto talaga niya i-push ang pelikulang ‘yun.

“Action ito, action, thriller, morbid… seryoso ako dito. Ang umpisa ng movie, naghahasa ako ng itak, and ending naghahasa pa rin ako ng itak,” dagdag pa ni Dennis.

Ayon sa mga nakapanood, ramdam nila ang gigil ni Dennis kay Gerald kahit pabiro lang ang mga entry nito.

“Lagot ka Gerald!” sabi ng isa.

“Ayan iitakin na ni Dennis si Gerald, exciting!” sabi pa ng isa.
Bago pa nga banggitin ni Dennis ang biro na ‘yan, umpisa pa lang ng interview kila Ronnie tungkol sa pelikula ay medyo sinusundot na nila ang usapin tungkol kay Gerald na “epal” daw.

Pero tuwing ihihirit ang pangalan na Gerald ay kaklaruhin naman ng ibang host na si “Jerald Napoles” pala ang tinutukoy.

Pero para naman sa mga netizen, halatang may hinanakit pa rin si Dennis kay Gerald na nais may iparating talaga sa aktor. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More