Una sa Balita

Dennis Garcia pumanaw matapos dumami ang booking ng Hotdog

0 426

Tatlong araw matapos sabihing dumami ang booking ng bandang Hotdog, pumanaw ang bassist nitong si Dennis Garcia.

Nitong Linggo, Enero 19, 2020, kinumpirma ng anak nito na si Isa Garcia ang pagpanaw ng kanyang ama noong Sabado ng gabi. Hindi sinabi kung ano ang dahilan ng pagkamatay.

Bago ito, Enero 15, pinabatid sa Twitter ni Garcia na muling nadidiskubre ng mga tao ang kanilang banda.

@chubiboDENNIS, “Apparently, people are rediscovering Hotdog. Bookings shooting through the roof. God is good,” hayag ni Dennis.

Naging sikat ang Hotdog noong Dekada 70s’ sa mga kantang “Bongga Ka Day,” “Annie Batungbakal,” at “Manila” na muling sumikat noong 2019 matapos itong gamitin sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More