Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dennis, Andrea, Bianca bibida sa iQiyi Int’l

0 56

May panibagong sorpresa ang GMA Network para sa mga Kapuso matapos nitong makipag-team up sa isa sa leading entertainment streaming platforms sa mundo – ang iQiyi International.

Mapapanood na sa iQiyi ang top-rating GMA primetime series na ‘First Yaya’ nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez pati na rin ang mga upcoming Kapuso drama na ‘Legal Wives,’ tampok sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali; ‘Nagbabagang Luha’ nina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, at Claire Castro; at ‘Love You Stranger’ ng real life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Ang mga ito ang unang Filipino content na mapapanood sa nasabing OTT platform.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gamit ang iQiyi app o website na iQ.com, maaari nang maging updated sa latest na eksena sa mga nasabing Kapuso shows anytime, anywhere. Madadagdagan pa soon ang mga pwedeng mapanood dito kaya siguraduhing mag-download at mag-subscribe na sa iQiyi. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.