Una sa Balita

Denise muntik mamatay noon

0 393

Hindi takot mamatay, ganyan daw ang chika ni Denise Laurel noong dalaga pa siya, at walang anak. Nabubuhay raw siya noon na parang walang kinabukasan.

“I was never afraid to die. I was never attached to material things.

“Pero nagbago ‘yon nu’ng nagkaroon ako ng anak. Right after child birth, the next day, I almost died.

“And I remember, sabi ko sa sarili ko, ‘ayokong mamatay agad, na hindi ko pa naalagaan ang anak ko, na hindi ko pa siya nabibigyan ng magandang buhay.’

“And I remember a couple of years ago, when I had my cancer scare, sabi ko, ‘Oh, my God, hindi pa ako handa, wala pa akong naihahanda for my son’s future’.

“So ngayon, ang kinatatakot ko lang talaga, maiwanan ko ang anak ko na hindi pa ayos ang kanyang future,” sabi ni Denise.

Anyway, bida nga si Denise sa bagong digital serye sa iWant. Kasama niya sina Jake Cuenca at Shaina Magdayao sa “The Haunted,” na mapapanood nga tuwing Linggo ng gabi simula sa Disyembre 8.

Iikot ang kuwento ng “The Haunted” sa mapagmahal na inang si Aileen (Shaina) na susubukang makipag-ayos sa asawang si Jordan (Jake) para sa kapakanan ng kanilang anak na si Angel. Mag-aalangan naman si Aileen na tanggaping muli si Jordan dahil sa pagpapabaya nito na nagdulot sa isang aksidenteng humantong sa pagkaka-coma ni Angel. Sa dalawang taon naman na walang malay ang kanilang anak, makikita ni Aileen kung gaano kamahal ni Jordan ang bata at bibigyan ito sa wakas ng isa pang pagkakataon.

Sa muli namang paggising ni Angel, haharap pa ang pamilya sa marami pang nakakasindak na problema.

Magsisimulang maghasik ng kasamaan ang multo na siyang muling susubok sa relasyon nina Aileen at Jordan. Hahamunin din nito si Aileen bilang ina at asawa, dahil pilit na aangkinin ng multo sina Jordan at Angel dahil sa isang itinatagong sikreto ng kanilang pamilya mula sa nakaraan.

Mangibabaw kaya ang pagmamahal ng isang ina upang mapanatiling buo ang kanilang pamilya? O tuluyan nang mawawasak ang pamilya dahil sa multo ng nakaraan?

Tampok din sa Dreamscape Entertainment production sina Alex Castro, Victor Silayan, Sheenly Gener, Ruby Ruiz, Ingrid dela Paz, Simon Ibarra, at Rita Avila. Idinirek naman ito ni Manny Palo.

Sundan ang mga misteryong pumapalibot sa “The Haunted”, tuwing Linggo, 8PM, sa ABS-CBN.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy