Una sa Balita

Denise Laurel gustong kalabanin si Darna

0 321

Hanggang ngayon, patuloy ang paghahanap sa papalit kay Liza Soberano bilang Darna, at marami na ngang fan ang nag-suggest ng kani-kanilang pambato.

Nanguna nga sa listahan sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at Jessy Mendiola.

Pero nagbigay ng pahayag ang aktres na si Jessy kamakailan na mas trip niya kung morena with Filipino beauty ang gaganap, at aminado ang aktres na hindi angkop ang kanyang beauty sa nasabing role.

Kaya ngayon naman, isa sa mga aktres na kinababaliwan din ng kalalakihan ang somehow nagpresinta kamakailan sa Twitter na puwede siyang gumanap bilang ‘Black Darna o ‘Valentina’, at ‘yan ay si Denise Laurel.

Actually, hindi naman talaga exactly nagpresinta ang aktres. Una munang may fan na naghayag ng kanyang paghanga sa aktres at sinabing boto siya na maging Darna ang idolong si Denise. So bilang reply, sinabi ng aktres na, “Huwaw! Black darna nalang or Valentina pwede pa hahahahaha.”

Sunod-sunod din ang mga fan na sumang-ayon na si Denise ay mag-audition bilang Darna dahil nakikitaan, anila, ito ng potensyal maging Darna. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy