Una sa Balita

DENISE, KINAMUMUHIAN!

Denise Laurel
0 1

Makapigil-hininga talaga ang mga eksena sa The Better Half, kaya hindi kataka-taka na nangu­nguna ito sa ratings sa hapon.

Kahanga-hanga rin ang bawat karakter na nagbibigay inspirasyon sa mga taga-subaybay.

Ipinapakita ng karakter na si Camille (Shaina Magdayao) ang katatagan ng isang babae.

Nawalan man ng asawa, hindi naman siya sumuko. Ganu’n din ang karak­ter ni JC De Vera na si Rafael na dahil sa tapang at tatag nito na ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Camille.

Bagama’t kinamumuhian si Bianca (Denise ­Laurel), ipinapakita ng karakter niya na dapat ay may limitasyon sa pag-ibig.

Na masama ang kaha­hantungan ng pag-ibig kung puno ito ng kasinunga­lingan. At siyempre, nakadagdag kaalaman sa mga manonood ang sakit na selective amnesia ni Marco (Carlo Aquino).

Dagsa nga sa social media ang mga papuri sa The Better Half.

“Hindi ordinaryong teleserye ang TBH. Ang lakas maka-American series ng plot, editing, at cinema­tography,” sabi ni @iamiohannes.

Dahil din sa mainit na pagtanggap ng mga manonood, hindi rin natitinag ang serye sa national TV ratings. Last March 1, nakakuha ang The Better Half ng national TV rating na 17.6%, kumpara sa Legally Blind na 14.2%.

Anyway, kaabang-abang din ang pagbabalik-TV ni Carmi Martin bilang si Dyna Soriano, ang mayor ng isang bayan sa Metro Manila, kasama ang ko­medyanteng si Pooh na gaganap naman bilang Ferdie, ang kanyang kanang-kamay.

Ano nga kayang mga pagbabago ang dadalhin nina Dyna at Ferdie kina Camille (Shaina Magdayao), Rafael (JC De Vera), Bianca (Denise Laurel), at Marco (Carlo Aquino)? Mas gugulo pa nga kaya ang kanilang mga buhay sa kanilang pagdating?

Ang The Better Half ay mapapanood pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.