Una sa Balita

Deniece malabo pang makulong

By
0 1,271

Nagtataka ang karamihan sa taga-showbiz kung bakit sa tuwing may pelikulang ipalalabas si Vhong Navarro, eh naglalabasan din ang updates sa kasong isinampa sa kanya nina Deniece Cornejo at Cedric Lee.

Nangyari na ang ganyang scenario nang malapit na ang showing ng Regal movie ni Vhong na ‘Woke Up Like This.’ Good thing, kumita ang movie at wala itong naging epekto sa popularidad ni Vhong bilang komedyante.

Nitong nakaraang mga araw, ‘yung apela ni Deniece sa isinampa niyang kasong rape eh, ibinasura ng Department of Justice. Nagsimula na that time ang promotions ng bagong film ni Vhong na ‘Unli Life.’

Abante Hiring – IT dep

Ang latest, ginawaran ng guilty verdict sina Deniece, Cedric at isang Jed Ferandez ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Metropolitan Trial Court sa kasong grave coercion na isinampa laban sa kanila ni Vhong.

Acquitted naman ang elder sister ni Cedric na si Bernice Lee na kasama ng grupo nu’ng naganap ang pangyayari.

Wala sa bansa si Vhong nang bumaba ang hatol. Sa isang report, naiyak siya sa resulta ng kaso. Sa isang linggo ay babalik na ang comedian-host mula sa ibang bansa at haharap din siya sa showbiz press kaugnay ng ipalalabas na pelikula.

Of course, bailable ang kasong grave coercion. Natalo man sina Deniece, Lee sa MTC, puwede pa silang umapela sa Regional Trial Court para mabaligtad ang desisyon ng mababang hukuman.

‘Pag talo sa RTC nandiyan ang Court of Appeals at ang Supreme Court na last resort ng mga akusado.

Mabagal man ang hustisya sa bansa, naramdaman naman ni Vhong umuusad pa rin ito, huh!