Una sa Balita

Dengvaxia bawal na sa ‘Pinas

By
0 391

Tuluyan nang kinansela ng Food and Drug Administration (FDA), ang certificate of product registration (CPR) ng anti-dengue vaccine Dengvaxia, na isinisi sa pagbagsak ng immunization rate.

Sanhi ng permanenteng rebokasyon ng CPR, magiging iligal na ang importasyon, pagbebenta at pagpapamahagi ng dengvaxia.

Nabatid kay FDA Director Gene­ral Nela Charade Puno, ang pagka­bigo umano ng Sanofi na makapagsumite ng post-approval commitment documents, ang dahilan kung bakit tuluyan kinansela ang CPR.

“It’s brazen defiance of FDA’s directives and its continued failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of revocation of the CPRs covering the Dengvaxia products,” ayon kay Puno.

Matatandaan na mahigit 800,000 bata ang nabakunahan ng dengvaxia sa ilalim ng administrasyon ni dating Pa­ngulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Gayunman, inanunsyo ng Sanofi noong Disyembre, 2017 na ang vaccine ay mapanganib para sa mga batang hindi pa dinadapuan ng dengue dahilan para suspendihin ng gobyerno ang immunization program para sa dengue.

Itinanggi naman ng mga awtoridad na may kinalaman ang Dengvaxia sa pagkamatay ng maraming bata na nabakunahan ng anti-dengue vaccine.

Ang naturang kontrobersiya ang naging dahilan para bumaba ang bilang ng mga nagpabakuna na naging sanhi naman ng tigdas outbreak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy