Una sa Balita

Dengue sa GenSan nasa outbreak level na

0 266

AGARANG isasailalim sa state of calamity ang General Santos City dahil sa pangambang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng GenSan.

Ayon kay Dr. Agripino Dacera Jr., hepe ng CDRRMC, layunin nito na masugpo ang pagkalat at paglala ng mga nagkakasakit ng dengue kung saan base sa kanilang huling tala ay umabot na sa outbreak level.

Naipasa na nila sa Sangguniang Panlungsod sa tanggapan ni Mayor Ronnel Rivera ang isyu upang agad na ideklara ang siyudad sa kalamidad at magamit ang 30 percent nilang emergency o quick response fund para masugpo at mai­sagawa ang mga anti-dengue intervention sa may 26 nasasakupang barangay.

Batay sa report, simula Ene­ro 1 hanggang Agosto 9 ay umabot na sa 791 ang dengue cases at may tatlo na ang namatay.

Naitala ng City Health Office (CHO) ang Barangay Calum­pang na may mataas na bilang o 134 na nagka-dengue, sumunod ang Brgy. Labangal na may 97 kaso, Brgy. Fatima, 85 at Brgy. San Isidro na may 70 kaso. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy