Una sa Balita

Dengue outbreak idineklara sa Central Visayas

0 381

DEKLARADO na ang dengue outbreak sa may siyam na bayan sa Central Visayas dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue.

Ayon kay Dr. Ronald Jarvik Buscato, dengue program coordinator ng Department of Health (DOH-7), lumalala na ang kaso ng dengue sa mga bayan ng Lapu-Lapu City at Sibonga town sa Cebu province; maging sa Lazi sa Siquijor; at Tagbilaran City, Loon, Trinidad, Cortes, Clarin and Dauis sa Bohol province.

Paliwanag ni Buscato, umangat ng 10 porsiyento ang namamatay sa loob lamang ng anim na linggong pagtala kumpara sa limang taon na nakalipas na rekord.

Kaya naman agad na inagapan ng pamunuan ng DOH ang sakit para matuunan ng pansin ng pamahalaan at mabigyan ng agarang lunas at atensyon ang mga lugar na may matataas na bilang ng nasabing sakit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy