Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dengue outbreak dineklara sa Zambo

0 253

Nagdeklara ng dengue outbreak sa Zamboanga City.

Kasunod ito ng paglagpas sa kaso ng naturang sakit sa mahigit 2000 mula Enero hanggang Mayo 14, 2022.

Sa nasabing bilang, 19 na ang kumpirmadong patay.

Agad nang nagsagawa ng fogging operations sa siyudad ng Sanitary Division ng City Health Office kung saan may maraming bilang ng kaso ng dengue.

Sinabi naman ng Department of Health – Region IX, na ang dengue cases ay mataas din sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Isabela City sa Basilan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.