Dengue at ang RevGov

By

Marami ang umalma nu’ng sinabi ko sa ­aking Facebook page na huminahon at huwag magpadala sa takot sa mga naglalabasang balita ukol sa Dengvaxia.

Sabi nu’ng mga medyo mainit ang ulo sa isyu, mga bata ang pinapatay ng mga taga-dating administrasyon na hindi natin dapat ito palagpasin.

At tama nga naman na kailangang imbestigahan at parusahan ang mga buwayang nakinabang.

Pero sinabi ni Pre­sidential Spokesperson Harry Roque na hindi tayo dapat matakot kasi hindi nakamamatay ang dengue na made-develop kung sakali mang mangyayari ito.

Taliwas naman ito sa sinabi ng PhilHealth chief na hindi dapat i-downplay ito.

Saan tayo maniniwala? Malamang doon sa gusto nating paniwalaan.

Pero ang totoo, may tama si Spocx Roque.

Kung magpapadala tayo sa takot, mas lalong hindi natin magagawang mag-isip nang mahinahon.

Hindi natin binabale-wala ang nangyari.

Ang payo lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ­huwag tayong magpadala sa ating mga emosyon kasi kadalasan ay ‘pag mataas ang bugso ng damdamin, madaming tao ang mananamantala sa atin.


Naalala ninyo ang galit natin kay Napoles na akala natin siya na talaga ang masama.

Sa sobrang galit natin, nakalimutan nating tingnan ang buong situwasyon.

Kung huminahon lang sana tayo noon, nakita sana natin na siya ay ginawa lang na diversion sa mga kalokohan ng LP.

Kaya kahit sinasabi ni Duterte na hindi natin kailangan ang RevGov, marami sa kanyang original core supporters ay naniniwala na hindi ‘yan ang nasa puso nito.

Ang mga hindi lubos na kilala ang Pangulo ay madaling maniwala kung sasabihin niya na ayaw nito.

Ngunit, kung titignan mo ang mga sinasabi niya sa mga bagay na hindi RevGov ang pinag-uusapan, may mga makabuluhang pahaging ito.

“Give me a law or a Constitution that will remove corruption and I will promise you a better life”, “Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from it” (sa Christmas message niya sa PCOO), “Start a movement that will change the system including me” (Model OFW Award).

Kumbaga, manhid lang ang hindi makakapansin sa mga pasaring niya.

Si Lacierda nga, natatakot pa din na totohanin ni PRD ang RevGov.

Malay mo?

SHARE