Una sa Balita

Deng lumipat sa Lakers

0 146

Ayos na si free-agent forward Luol Deng sa four-year, $72 million deal sa Los Angeles Lakers, siwalat ng league sources sa The Vertical.

Makalipas makipagkasunod na rin sa terms kay Timofey Mozgov (4years, 64M) at maagang re-signing kay Jordan Clarkson (4 na taon, $50M) sa free agency, dinagdag si Deng, 31, para sa complements sa batang core ng Lakers nina Clarkson, D’Angelo Russell, Julius Randle at No. 2 overall draft pick Brandon Ingram.

Nakipag-bargain din si Deng sa ilang teams gaya ng Washington Wizards at Utah Jazz, bago naikadena ng Lakers, hirit ng impormante.

May average si Deng na 12.3 points, six rebounds at 1.9 assists sa 74 games para sa Miami Heat sa 70th NBA 2015-16 season. Nang lumayas sa Heat si Chris Bosh sa katatapos na season noong mid-February, nilagay si Deng sa power forward at nagtagumpay. Lu­magda siya sa Heat nung 2014 at pinalitan ang sumibat na si LeBron James sa starting lineup.

Sa 12 NBA seasons, may ave. si Deng na 15.5 points, 6.2 rebounds at 2.4 assists para Chicago, Cleveland at Miami. Swak siya sa consecutive All-Star teams nung 2012 at 2013 nang nasa Chicago pa.

Sa Lakers, magkakaloob si Deng ng versatility, shooting, slash at plays. May reputasyon siyang on and off the court na steady professional. Siya’y No. 7 sa 2004 NBA draft.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy