Una sa Balita

Demonyo umahon sa impiyerno

0 246

Mga ka-Misteryo isang psychic healer ang nagsabi sa #Misteryo na kitang-kita niya ang pag-ahon ng ­demonyo mula sa kailaliman ng ­Impiyerno sa pagputok ng Bulkang Taal sa ­Batangas. Kaya masidhi ang kanyang ­babala sa tao na mag-­ingat dahil ­target ng ­demonyo na maghasik ng kamatayan at ­sakit sa tao.

‘Yan ang ­ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Mismong si Rodel ng ­Bicol ay hindi makapaniwala sa ­nakita niyang mga larawan sa kasagsagan ng pagputok ng Bulkang Taal noong linggo at kitang-kita niya ang mukha ng demonyo sa umaalimbukay na usok at abo.
Ito ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Rodel.

Misteryo: “Paano mo nasabing mukha nga ng demonyo ang nakunan ng litrato sa pagputok ng bulkang-Taal?”

Rodel: “Maski ako hindi makapaniwala pero ­kitang-kita naman sa imahe ng ­nakunang mga litrato demonyo ang luma­bas, saka tignan mo may ­kasama pang mga kidlat habang sumasabog, ­nakakatakot, nakakahilakbot ‘di ba?”
Misteryo: “Sabi ng mga ­siyentista na normal lang ­naman daw ‘yung mga ­kidlat na ­maaaring mangyari sa ­pagsabog ng bulkan kasi ­humalo ang mainit na enerhiya sa lamig ng temperatura sa taas.”

Rodel: “Hindi ko ipipilit ang paniniwala ko at obserbasyon sa nakita ko sa bulkan, pero matindi ang epekto nito sa tao. Nangangahulugan ito ng delubyo, kalamidad, sakit at kamata­yan ng mga buhay mula sa mga taniman, mga hayop at tao. Hindi ba ‘yan naman talaga ang gusto ng demonyo, mag­hasik ng kasamaan para humina ang pananalig sa Diyos.”

Misteryo: “Sana nga mali ang pananaw mo ka Rodel pero Tama ka sadyang kasamaan nga ang epekto sa tao ng pagsabog ng bulkan, may mga namatay na, nagkasakit at nasira ang ­kabuhayan ng tao, pero naniniwala akong hindi magpapahina ito sa pananampalataya sa Diyos.”

Rodel: “‘Yun ang ­pakiusap ko sa lahat, ‘wag tayong ­magpatalo sa kampon ng ­kadiliman. Dapat maging malakas pa ang pananalig sa Diyos. Ipakita natin hindi kayang buwagin ng kalamidad ang ating pagtitiwala sa Poong Maykapal.

Samu’t saring haka-haka sa pagputok ng Bulkang Taal pero gusto kong sundan ang panawagan ni Rodel, kumapit lang tayo sa Diyos, malalagpasan nating lahat ito sa pamamagitan ng pagtutulungan.
***
Para sa mga ­kuwentong karanasan ng kababalaghan at misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More