Una sa Balita

Demolisyon ng mga nitso sa Biñan inalmahan

By
0 1,993

UMALMA ang mga kaanak ng mga nakalibing sa Biñan Cemetery o Sta. Filomena Public Cemetery na nasa Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna dahil sa pagtibag ng mga nitso sa apartment type na bahagi ng libingan.

Ayon sa mga nag­tatakang mga kaanak, laking gulat nila nang tumambad at kumalat ang balita na ang mga nitso ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay ay pinagtitibag sa utos na rin umano ng pamahalaang lokal.

Isinilid umano ang mga labi ng mga yumao sa mga sako at inilagay sa chapel na nasa loob ng New Biñan Cemetery na pag-aari ng pamilya Alonte na kilalang mga politiko sa nasabing lungsod.

Ayon sa mga nag­rereklamong mga kaanak, marami sa kanila ang hindi naabisuhan sa gagawing demolition ng mga nitso at paglilipat nito sa bagong gawang sementeryo.

Ayon naman sa ma­nagement ng se­menteryo, Undas pa noong 2016 nang mag­lagay sila ng tarpaulin sa harap ng sementeryo na nag-aanunsiyo ng gagawing demolisyon sa taong 2018.