Una sa Balita

Demokrasya, hindi diktadurya – Kiko

0 55

Nagpaalala si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan kay Pangulong Rodrigo Duterte na malaki ang pagkakaiba ng hindi pagsang-ayon kontra sa destabilisasyon.

Inungkat ito ni Pangilinan matapos patutsadahan ni Pangulong Duterte sina Vice-President Leni Robredo, Sen. Leila de Lima at Sen. Antonio Trillanes IV na nasa likod ng pagtatangka na siya ay pabagsakin.

Ayon kay Pangilinan, presidente ng Liberal Party (LP), trabaho nila bilang miyembro ng oposisyon na sitahin ang mga nakikitang mali sa gobyerno at hindi ito dapat ituring na destabilisasyon.

“Dissent does not mean destabilization. In fact, should there be governmental excesses or abuses in the executive department…it is our constitutional duty in the legislative branch to act as a check and balance on the executive branch,”ani Pangilinan.

Iginiit ng senador na bahagi ng trabaho ng oposisyon na paimbestigahan ang P50 milyong bribe scandal sa Bureau of Immigration (BI), ang rubout case ni Mayor Espinosa, ang tokhang for ransom at pagkamatay ng Korean na si Jee Ick Joo sa loob ng Camp Crame,ang citizenship issue ni dating DFA Secretary Perfecto Yasay, at ang 5,000 unsolved vigilante killings at iba pa.

“We are in a democracy, not a dictatorship,”pahayag ni Pangilinan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy