Una sa Balita

Demi, Tim pakakasal na

0 759

Engaged na si Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters sa former NFL quarterback na si Tim Tebow. Nag-propose si Tim kay Demi-Leigh sa family farm nila sa Jacksonville, Florida at mabilis na sumagot ng “Yes” ang South African beauty queen.

Ayon sa report ng People, naglalakad daw sa property ang dalawa at tumigil sila sa isang small lake kunsaan pinakita ni Tim ang isang bench na pinalagyan niya ng date ng unang pagkikita nila ni Demi-Leigh.

Biglang lumuhod si Tim at sinabi kay Demi-Leigh: “Demi Leigh Nel-Peters, I love you. Demi Leigh Nel-Peters, will you marry me?”

Noong mag-yes si Demi-Leigh ay sinuot sa kanya ang 7.25 carat solitaire ring.

“This ring is internally flawless. Just like you,” sey pa ni Tim sa kanyang fiancee.

May isang sorpresa pa si Tim kay Demi-Leigh, biglang lumabas ang South African singer Matthew Mole at hinarana nito ang newly engaged couple sa awitin na The Wedding Song.

Ang hindi alam ni Demi-Leigh ay nanonood ang buong pamilya ni Tim mula sa malayong lugar. Tulad ng former Miss Universe, clueless din ang ibang inimbitahan nila sa farm tungkol sa nagaganap na proposal ni Tim. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy