Una sa Balita

Demi Lovato nilantad ang mga cellulite, taba

0 491

All out na sa social media si Demi Lovato, at wala nga siyang takot na ipinakita ang hubog ng kanyang katawan. Walang edit-edit, at what you see is what you get nga ang drama niya.

Ipinakita nga nito sa kanyang Instagram followers na loud and proud siyang naka-bikini habang nasa pool na ipinapakita ang kanyang fats and cellulites.

Ito, aniya, ang kanyang ‘biggest fear’, ang mag-post ng litrato na naka-bikini pero mukhang fear no more na nga ang Hollywood singer sa kanyang lantarang bikini post.

“I’m just literally sooooo tired of being ashamed of my body, editing it (yes the other bikini pics were edited – and I hate that I did that but it’s the truth) so that others think I’m THEIR idea of what beautiful is, but it’s just not me. This is what I got. I want this new chapter in my life to be about being authentic to who I am rather than trying to meet someone else’s standards,” pahayag ni Demi.

Todo suporta naman sa kanya sina Vanessa Hudgens, Ashley Graham, Ruby
Rose at marami pang iba.

Ayon pa nga kay Demi, wala sa bokabularyo nito ang salitang “diet”, pero
nagsasama siya ng nutritionist bilang gabay sa kanyang mga tour para manatiling healthy.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy