Una sa Balita

Demi Lovato lumabas na ng rehab

By
0 324

Nakalabas na ng rehab cli­nic ang singer na si Demi Lovato pagtapos na maging 90 days sober na ito.

Kung matatandaan ay natagpuang nag-overdose si Demi on ­opioids sa sarili nitong bahay sa Hollywood Hills noong nakaraang July 24.

Namamataan na si Demi sa iba’t ibang lugar sa Los Angeles pagkatapos nitong makalabas ng rehab after three months.
Noong November 3 ay nakita siyang nasa loob ng isang sasak­yan kasama ang ­designer na si Henry Levy.

Nakita rin si Demi sa isang sushi place called Matsuhisa in Beverly Hills kasama pa rin si Henry.

Marami ang nakapansin na may kakaibang glow ngayon si Demi dahil well-rested ito at mukha itong masaya.

“Demi and Henry were having a great time… happy, smiling and laughing through dinner,” ayon pa sa report ng TMZ.
That weekend ay nakita naman si Demi na papunta sa isang Beverly Hills spa.

Ni-report din ng People ang pagbalik ni Demi sa LA: “She just got back to L.A. a couple days ago. She seems to be doing well so far.”

Nagpasalamat naman ang ina ni Demi na si Dianna De La Garza sa malaking improvement sa health ng kanyang anak.
“She has 90 days and I couldn’t be more thankful or more proud of her because addiction, being a di­sease, it is work. It’s very hard, it’s not easy, and there are no short­cuts.”