Una sa Balita

Demi Lovato inakusahang adik sa chongki

0 358

Hindi nakapagtimpi, at agad sinopla ng “Sorry Not Sorry” hit-maker na si Demi Lovato ang mga nagpapakalat ng tsismis na siya ay tumitira ng weeds kasama ang boyfriend na si Austin Wilson dulot ng kalungkutan.

Galing umano ang rumor sa podcast ni Perez Hilton. Inakusahan nga raw ang singer sa paggamit ng weeds, o damo, o chongki, o marijuana. Kaya nang makarating ito sa singer-actress, agad itong dumepensa sa pamamagitan ng kanyang Instagram.

“Dont believe the rumors!” ani Demi.

Matatandaan naman na noong July 18 ay naospital ang popstar dahil sa pag-o-overdose nito at pagkatapos manatili ng 11 na araw sa ospital, nagkusa itong magpa-rehab.

“It is something I must continue to overcome and have not done yet. I want to thank God for keeping me alive and well. To my fans, I am forever grateful for all of your love and support throughout this past week and beyond,” sinabi pa niya noon sa isang Instagram post na ngayon ay deleted na.

Sa ngayon, confused din ang mga netizen kung ano nga ba ang paniniwalaan pero alin pa man doon ang totoo ay ikinalulungkot ng mga fan ang mga nangyayari ngayon sa kanilang idolo. Patuloy naman ang pagpapadala ng mga positive words sa kanya ng mga fan at pilit na pinagagaan ang loob ng singer. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More