Una sa Balita

Demi-Leigh, Tim sa 2020 ang kasal

0 273

Naganap na ang bridal shower ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters na “pretty in pink” ang tema noong nakaraang August 11.

Simula na raw ang countdown sa magiging wedding nito sa fiancé, ang Major League baseball star at former NFL quarterback na si Tim Tebow.

Na-engage ang dalawa noong Janua­ry 2019. Pero sikreto pa rin kung kailan sila ikakasal. Pero ayon sa isang source, early 2020 raw ang wedding ng dalawa.

Ang magiging wedding dress ni Demi-Leigh ay magkakaroon ng ilang elements ng kanyang bansang South Africa.

Sa kanyang naganap na bridal shower, dumalo ang buong family and close friends, kabilang na rito sina Miss World 2014 Rolene Strauss and Miss South Africa 2011 Melinda Bam.

Heto ang pinost ni Rolene sa kanyang Instagram para sa malapit na pagpapakasal ni Demi-Leigh:

“So special sharing this exciting day with you Dems. You are going to be the most beautiful BRIDE!!! Mag die Here jou so seën in hierdie tyd, geniet elke oomblik ! Lief jou (heart emoticon)@demileighnp #bri­dalshower.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy