Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Delivery rider dedo sa biro ng pulis

0 66

Patay ang isang delivery rider nang aksidente umanong mabaril ng isang pulis-Maynila na balak lamang `biruin’ ang biktima kamakalawa sa Tondo, Maynila.

Nakakulong ngayon sa Manila Police District-homicide section ang suspek na si PCpl Oliver Ferrer, 31, nakatalaga sa MPD-homicide section at taga-Balut Tondo.

Nasawi dahil sa tama sa ibabang bahagi ng katawan si Jayson Capistrano y Carreon, 31, single, delivery rider at taga-Gagalangin Tondo.

Naganap ang insidente alas-10:45 ng gabi sa may barangay hall, ng Brgy 183 Zone 16 Gagalangin, Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg John Paul Rojo, ng MPD-homicide section, pumunta umano ang suspek kasama si PCpl Jerome Mingote, pinsan ng biktima kay Brgy chairman Joseph Lipasana.

Habang naghihintay ang suspek ay nakipagkuwentuhan ito sa mga kaibigan niya kabilang ang biktima.

Nagbiro umano ang suspek at binunot ang service firearm nito pero pumutok at tinamaan ang biktima.

Isinugod sa Chinese General Hospital si Jayson pero hindi na naisalba. Boluntaryo namang sumuko ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.