Una sa Balita

Delivery boy sinalisihan ng P17K lotion sa Maynila

0 321

NATANGAYAN ang isang ­delivery staff ng dalawang ­kahon ng mamahaling ­lotion na nagkakahalaga ng P17,000 matapos na salisihan ng ­hindi nakikilalang suspek, ­habang ­hinahatid ang kanilang ­produkto sa isang drug store sa sa Sta. Ana, Maynila.

Nagreklamo sa pulisya si Orlan Marbella, 29-anyos, ­empleyado ng DPV logistics ­Services, hinggil sa nangyari. Aniya, naganap ang ­insidente alas-9:46 kamakalawa nang umaga habang nagde-deliver ito ng produkto.
Napansin umano niyang ­nagkulang ang kanyang dalang produkto kaya nagpunta sa ­huling tindahan na kanyang ­pinuntahan. Dito nakita sa closed circuit television (CCTV) ang pangsasalisi ng lalaki na nasa edad 40-anyos.

Nakita sa CCTV ang pagkuha ng suspek sa dalawang kahon at saka mabilis na tumakas.

Nagsasagawa naman ng ­follow-up operation ang ­pulisya para matukoy at maaresto ang suspek. (Juliet de Loza-­Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More