Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Delivery boy binoga sa leeg ng tanod

0 207

Sugatan ang isang delivery boy matapos barilin sa leeg ng isang barangay tanod habang naghahanda sa kanyang pagtulog kamakalawa ng madaling-araw sa Bonifacio Drive, Intramuros, Maynila.

Isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Larry Resultay, 47, residente ng Bonifacio Drive, dahil sa tama ng bala sa leeg.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Serdz Escaro, 35, tanod ng Barangay 656 sa Intramuros.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 5, sinabi ng biktima na biglang sumulpot ang suspek at binaril siya. Agad tumakas si Escaro matapos ang pamamaril.

Humingi ng tulong ang biktima kay Mary Ann Ocampo, secretary ng Barangay 656, para dalhin siya sa pagamutan. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.