Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Delivery app model ginawang palusot! Foodpanda, Grab, Lalamove inaapi rider

0 58

Ipinasisilip ni TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza sa Kamara ang business model ng mga online platform-based company gaya ng Foodpanda, Grab, Angkas at Lalamove.

Ayon kay Mendoza lugi ang mga delivery rider sa “exploitative business model” ng mga kompanyang nabanggit kaya dapat pumasok dito ng Kongreso upang mailagay sa ayos.

Sinabi ng solon na tinatrato ng mga app-based companies ang mga rider bilang independent contractors, business partners o freelancers para hindi nila kailangang magbigay ng mga benepisyo sa mga ito alinsunod sa mga labor law.

“We believe delivery riders are really employees, as it is their online platforms who have control over the riders. It is the company which decides who to hire, how much riders earn under an algorithmic formula that is not transparent and not made known to the riders, where the riders go, under what terms and conditions, and as we have seen with the recent events in Davao City, who remains employed by the company,” sabi ni Mendoza.

Ang mga rider umano ang sumusuong sa panganib ng kalsada bukod pa sa banta na magkasakit pero hindi sila nababayaran nang maayos.

Pinuna rin ni Mendoza ang 10 taong suspensiyon na ipinataw ng Foodpanda sa mga driver nito na nagplano na magsagawa ng protesta laban sa compensation policy ng kompanya.

“TUCP stands with the delivery riders in Davao, and all over the Philippines who are demanding their rights as worker­s and as employees to be recognized, upheld, and protected… It is high time that we go to bat for them and give them all the rights they are fully entitled to,” dagdag pa ni Mendoza.

Sa inihaing House Resolution 1974 sinabi ni Mendoza na tutukuyin ng Kamara kung ano ang mga karapatan ng mga rider at ang obligasyon sa kanila ng mga delivery app company, kung magkano ang kanilang dapat na kitain, kung gaano sila katagal dapat na magtrabaho at kung anong ahensiya ang mangangasiwa sa kanila. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.