Una sa Balita

Delivery agent nadale ng tandem

0 222

Nanginginig pa sa takot habang iniim­bestigahan sa loob ng presinto ang isang siomai delivery agent na tinutukan ng baril at hinoldap ng riding-in-tandem sa Malabon City, Huwebes nang madaling-araw.

Ayon kay Roberto Nocomora Jr., 28, may live-in partner, residente ng Barangay Dampalit ng nasabing lungsod, bandang ala-1:10 nang madaling-araw nang mangyari ang panghoholdap sa kanya.

Bumili ito ng sigarilyo sa isang tinda­han sa No. 142, Arellano St., Brgy. Ibaba, Malabon City.

Hindi pa man nasisindihan ang biniling yosi, biglang huminto sa kanyang harapan ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo na walang plate number at tinutukan siya ng baril sa ulo saka nagpahayag ng holdap.

Kinuha ng mga hol­daper ang kanyang sling bag na naglalaman ng P130,000.00 at iba’t ibang identification card.

Hindi rin pinatawad ng mga kawatan ang kanyang wallet na may lamang P5,000.

“Hindi ako makaporma kasi nakatutok ‘yung baril sa ulo eh,” sabi ni Nocomora.

Hindi rin nakilala ng biktima ang mga suspek dahil nakatakip ito ng helmet at mabilis na nagsitakas matapos makuha ang kanyang pera. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy