Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Delikado pa! Cone may trauma sa 2-0 lead kontra TNT

0 145

Ray Mark Patriarca

Kahit 2-0 na ang lamang ng Ginebra kontra TNT Tropang Giga sa 2020 PBA Philippine Cup, hindi pa rin dapat maging kampante ang mga ka-Barangay.

Ito’y matapos na ilantad ni PBA chief statistician Fidel Mangonon III sa ‘Facts Break’ segment ng Sportalakan ang history ni coach Tim Cone kapag umaabante ng 2-0 sa serye.

Saad ni Mangonon, madami na rin laban na lumamang ng 2-0 sa serye si Cone, ngunit ilan dito ang natalo pa.

“Baka hindi alam ng marami, si coach Tim tatlong beses na ‘yan lumamang ng 2-0 sa best of seven, natalo pa rin,” ayon kay Mangonon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pero kasi siya naman ang winningest coach, madami na siyang nadaanan na best of seven since 1989,” aniya pa.

Ang maganda nga lang saad ng PBA statistician, simula noong umalis ng Alaska si Cone ay hindi na muli ito natalo pa kapag 2-0 ang lamang sa kalaban.

Kung titingnan naman ang statistics, sa 51 koponan sa PBA na nakasungkit ng 2-0 advantage, 42 ang dumidiretso na sa panalo.

Nangyari na ito sa Ginebra ng apat na beses sa Finals kung saan walang talo ang Gin Kings kapag lamang na ng 2-0 para makuha ang tropeo.

Samantala, ang TNT naman ay apat na beses na ring nasadlak sa 0-2 disadvantage sa Finals, ngunit dalawang beses dito ay napanalo pa nila.

At ang huling beses na ginawa nila ito ay noong 2008-09 PBA Philippine Cup Finals kontra Alaska Aces, kung saan si Cone pa ang head coach ng Alaska.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.